venticiana
Tanging nais ni Valerie Gomez ay makatapos ng pag-aaral. Pagkatapos mamatay ng magulang niya ay mas lalo siyang naging mulat sa lahat ng nangyayari sa mundo. Nagtrabaho, nag-ipon para makapag-aral ng kolehiyo.
At doon niya nakilaka si Zacharius Vincent Sandoval, isang dakilang playboy. Isang salita ni Zacharius na nais niyang maging Master si Valerie ay sumang-ayon na siya, dahil 'yon sa pera. Hanggang sa nahulog ang kanyang loob sa lalaki, kahit alam niya sa sarili niya na nagustuhan lang siya nito dahil kamukha siya ng dati nitong girlfriend na ngayon ay patay na. Kaya niyang ipaglaban si Zach, pero ang sariling insecurities sa patay na girlfriend ang humahatak sa kanya pababa.