itsbernadetteAC
First of all... kamusta ang likod?
Hindi kita tatanungin kung may sarili ka nang bahay, kung kasal ka na, o kung na-achieve mo na 'yung mga pangarap mo noong college.
Ang tanong lang muna natin dito:
Bakit pagtuntong ng 30s, parang may kasama nang sound effects ang pagtayo mula sa sofa?
Walang nag-warning sa atin na ganito pala ang actual adulting.
Isang araw, bata ka lang na naglalaro sa computer shop, nag-aabang ng text sa keypad phone, at nagmamadaling umuwi para manood ng paborito mong show. The next thing you know, ikaw na 'yung nagbabayad ng bills, nagba-budget ng grocery, nag-iisip kung kailangan mo ba talaga lumabas ng bahay, at natutuwang may Buy-1-Take-1 sa detergent.
Somewhere along the way, naging adults pala tayo.
Mula sa Friendster, Yahoo! Messenger, burned CDs, Nokia phones, at mga panahong kailangan mo pang tumayo para palitan ang channel sa TV, napunta tayo sa work, responsibilities, bills, family, expectations, at kung minsan... Salonpas.
So... Kamusta ang Likod? is a collection of stories, memories, observations, at mga bagay na malamang na naisip mo na rin pero hindi mo lang sinasabi nang malakas.
Hindi ito life advice.
Hindi ko rin alam ang ginagawa ko.
Pero kung gusto mong matawa, ma-nostalgic, at mapaisip ng "Hala, akala ko ako lang," halika at sabayan mo ako.
Pahinga ka muna sa pagiging adult.
At tara, pag-usapan natin.