nerdybeyouty
Hindi porket kasama ka nung una eh kasama ka pa sa huli.
Hindi rin lahat ng sinabihan ng "I love you" ay mahal na ng nagsabi. May iba't ibang level yan syempre.
Sabi nga ng iba, mapaglaro ang tadhana. Kaso baka mamaya nde na pala tadhana ang nakikipaglaro sayo. Yung mismong pag-ibig na pala. Pag-ibig na napakahusay pero pagdating sayo, palpak. Tira pa nga lang ni Kupido, daplis lang sayo.
Wag mong panghawakan ang "I love you" niya sayo. Wag mo na rin balakin na mag-assume. Makita mo pa siyang may kasamang iba eh baka masaktan ka.
Pero isa rin yan sa problema. Inassume mong di lang kayo magkaibigan at baka umabot pa kayo sa magka-ibigan. Pero pagmulat mo sa isang umaga, nadyan siya, sinasabing wag ka mag-alala, marami pa namang iba.