tientanux
Ano ang pakiramdam na may magulang sa tabi habang tumatanda?
Lumaki ako sa bahay na wala ang aking magulang. Pareho kami ng sitwasyon ni Dione- lumaking hindi kasama ang magulang, pero ang pinag kaiba namin ay nakakasama niya yung magulang niya tuwing birthday niya. Ilang taon ko din siyang hindi nakita. Ngunit sa kanyang pagbabalik, marami na ang nagbago, ngunit hindi ang nararamdaman ko noong bata pa ako. Aaminin ko, minahal ko na siya noon pa man na bata pa ako. Minahal ko siya na para bang may alam na agad ako sa pagmamahal noon.