MysteriousGirl1008
Sa bawat pahina ng kasaysayan, may mga pangalan na naaalala...
at may mga pangalang sinadyang burahin.
Si Ysabel de la Cruz ay may kakaibang sumpa
hindi siya maaalala ng kahit sino.
Hindi ng kanyang pamilya.
Hindi ng mga kaibigan.
Hindi kahit ng lalaking minsang nangakong mamahalin siya habang buhay.
Sa tuwing sasapit ang hatinggabi,
lahat ng alaala tungkol sa kanya ay nawawala
parang hindi siya kailanman nag-exist.
Pero sa gitna ng rebolusyon laban sa mga Kastila,
si Ysabel ang lihim na kamay sa likod ng mga tagumpay.
Siya ang nagsusulat ng mga plano.
Siya ang nagdadala ng mga mensahe.
Siya ang nagsasakripisyo
kahit walang makakaalala.
Hanggang sa makilala niya si Elias
isang rebolusyonaryong paulit-ulit siyang nakakalimutan...
pero paulit-ulit ding nahuhulog ang loob sa kanya.
Araw-araw, kailangan niyang ipakilala ang sarili niya.
Araw-araw, kailangan niyang muling mahalin...
ang lalaking hindi siya kailanman maaalala.
Pero paano kung dumating ang araw na kailangan niyang pumili
ililigtas ba niya ang bayan...
o ang nag-iisang taong minsang nakaalala sa kanya?
Sa mundong kaya siyang burahin
kaya ba niyang ipaglaban ang isang pag-ibig na hindi kailanmanmananatili?