Rylllee
Sa Saint Valerius Academy, ang lahat ay umiikot sa kompetisyon-sa talino, sa rank, at sa pagiging #1.
Si Calista Dela Vega ang ehemplo ng perpekto: cold, focused, at laging nasa tuktok. Para sa kanya, ang panalo ang tanging patunay ng halaga niya-walang distractions, walang puwang para sa pagkakamali, at lalong walang lugar para sa emosyon.
Hanggang dumating si Elias Cruz.
Isang transfer student na walang takot hamunin siya, at lalong walang balak umatras kahit ilang beses niya itong itulak palayo.
---
Mula rivalry hanggang forced partnership, pilit silang pinagsasama sa academic competitions at late-night reviews kung saan nagbabanggaan ang pride, focus, at mga bagay na hindi nila dapat nararamdaman.
At sa mundong laging may nananalo at natatalo...
what happens when you start losing yourself in the competition-and in the person you were never supposed to care about?