mystiquegeek
Si Genieviva Louise Alvarez ay anak ng mayamang negosyante sa Baguio. Siya ay kasalukuyang nag-aaral sa Ateneo de Manila, kumukuha siya ng kursong literatura; tutol man ang kaniyang ama ay wala itong nagawa upang pigilan ang anak na nagtangkang magpapakamatay kung hindi makukuha ang kaniyang nais.
Upang makatakas sa ingay ng kanilang tahanan nagboluntaryo siyang maging isang student librarian mula alas-kwatro hanggang alas-otso ng gabi. Isang gabi, habang ibinabalik niya ang mga libro sa kaniya-kaniya nitong mga lagayan, napansin niya ang isang manipis na kwadernong tinahi upang pagdugtong-dugtungin ang pahina, halatang luma na dahil muntikan na ring ubusin ng anay ang pabalat nito. Sinubukan niyang ihipan ang alikabok na bumabalot dito nang biglaan siyang mapuying at unti-unting mandilim ang paningin.
Sa kaniyang pagdilat ay nagising siyang nakapatong ang kaniyang ulo sa mesang puno ng gulay at sa kaniyang tagiliran ay ang batya-batyang mga hugasin.
"Ang kukupad ninyo! Hoy, Bebang! Natutulog ka na naman baka gusto mong kaltasan ko ang iyong sweldo." Akmang hihiyawan niya pabalik ang matabang babae ngunit pinangunahan siya ng kati sa katawan, pakiramdam niya ay ang lagkit-lagkit na niya. Napatingin siya sa kaniyang suot at napahiyaw dahil mukha itong basahan-mas masahol pa sa basahan.
Sa lipunang estado ang batayan ng karapatan, paano kaya makakaya ng isang babaeng laki sa layaw ang masubukang pagsilbihan ang iba?