JohnDerick
Si JD ang depinisyon ng Golden Boy-matalino, gentleman, at ang idolo ng unibersidad. Nang dumating si Ceni sa kanyang buhay, akala niya ay ito na ang simula ng kanyang happily ever after. Ngunit sa isang iglap, nagbago ang lahat.
Matapos ang isang insidente sa eskinita, ang lalaking sumagip kay Ceni ay may mukha ni JD, ngunit kakaiba ang boses, mas matapang ang tindig, at walang suot na salamin. Ang dating maamo at mahinhin na JD, tila naglaho at pinalitan ng isang estranghero.
Habang hinahanap ni Ceni ang sagot sa kanyang mga katanungan, unti-unti niyang matutuklasan na ang JD na minahal niya ay may itinatagong mundo na hindi niya akalaing mag-uugnay sa isang bracelet, isang madilim na nakaraan, at isang lihim na hindi kayang sabihin ng isang tao lamang.
Sa isang mundong puno ng anino, sino ang tunay na JD? At hanggang saan ang kayang isakripisyo ng isang anino para sa taong minamahal ng liwanag?