AkopoSiPinkRose1112
> "Paano kung ang lahat ng itinuro sa'yo ay taliwas sa nararamdaman mo? Pipiliin mo ba ang tama... o ang totoo?"
Si Ethan Kurt De Leon ay isang simpleng binata na lumaki sa mundo ng dasal, sermon, at mga aral ng Bibliya. Anak ng isang mahigpit at konserbatibong pari, kabisado niya ang halos lahat ng kasulatan - kung ano ang tama, kung ano ang mali, at kung ano ang "dapat" sa mata ng Diyos.
Tahimik ang buhay niya - basketball, pamilya, simbahan. At sa lahat ng ito, tanging Ina niyang si Grace at ang munting kapatid na si Aya ang nagsisilbing pahinga sa higpit ng ama. Sa kabila ng pagiging campus heartthrob, may mga bagay si Ethan na pilit niyang itinatago: ang tanong sa sarili, ang takot na baka siya ay "ibang klaseng tao," at ang kaba tuwing may nararamdaman siyang hindi maintindihan.
Hanggang isang araw, dumating si Jasper Salazar - isang matapang, matalino, at androgynous gay trans student na may ibang pananaw sa Diyos at sa mundo. Hindi siya takot ipakita kung sino siya. Iba siya sa lahat ng nakilala ni Ethan.
At doon nagsimula ang gulo sa puso ni Ethan.
Naguguluhan siya. Nalilito. Kinakabahan. Pero hindi niya maitanggi - may nararamdaman siya. At sa bawat pagkikita nila ni Jasper, parang may unti-unting nababasag sa mga paniniwalang matagal na niyang kinapitan.
🌈 Magiging mali ba ang pagmamahal kapag hindi ito ayon sa paniniwala?
💔 At sa pagitan ng "pananampalataya" at "damdamin," alin ang pipiliin ng puso?
---
🙏 Isang kwento ng pagtuklas sa sarili, laban sa takot, at paghahanap ng pag-ibig sa gitna ng paniniwala, pagkakaiba, at pagkalito.
💫 Dahil minsan... ang tunay na pagmamahal ay hindi mo makikita sa Bibliya, kundi sa mata ng taong hindi mo inaasahang mamahalin mo.