goghzilla
Sa bayang ang bawat kalsada at pantalan ay kontrolado ng pamilya Magbanua, si Echo ang boses ng mga dehado. Para sa kanya, ang bawat ngiti ng anak ng Mayor na si Siobe ay isang mapait na paalala ng nakaw na yaman. Ngunit sa bawat pag-iwas niya ng tingin, tila lalong humihigpit ang agos na humihila sa kanya palapit sa taong dapat ay kaaway niya.
Ano ang mas matimbang: ang hustisyang matagal nang ipinaglalaban, o ang pagtataksil ng pusong hindi marunong mamili ng panig?