Trisisisha
Girls of Solara #1
Alessia Cecilia Valera has carried the weight of the world on her shoulders since she was young. Panganay sa siyam na magkakapatid, at iniwan pa sila ng kanilang ama. Lumaki siyang puno ng responsibilidad. Aral sa umaga, trabaho sa gabi. Every peso she earns is important, kasi para sa kanya, bawat pagod may kapalit na pangarap para sa pamilya niya.
Sa bagong school na pinasukan niya, nakilala niya si Carlos Henry Jimenez, two years older, born with a golden spoon, at sanay magwaldas ng pera sa walang kwentang bagay. Para kay Alessia, siya yung tipo ng lalaking hindi marunong pahalagahan ang mga bagay na para sa kanya ay mahalaga. She hated him for years until college came, and that hate slowly turned into something she didn't expect.
Ayaw niyang maramdaman 'yon, lalo na't marami siyang kailangang unahin. Love is the least of her priorities. Pero kahit paulit-ulit sabihin ni Henry na magbabago siya para sa kanya, hindi pa rin siya naniniwala. Because for Alessia, he's just another weight added to the burden she already carries. At para sa kanya, ang ugali ni Henry ay isang lalaking mayabang, pabaya, at walang direksyon ay hinding-hindi na magbabago.
Started: October 19, 2025
Ended: