AjggFive
Hi! This is a story - hindi lang basta kwento, kundi isang parte ng college life ko na ayokong makalimutan. Kwento 'to kung paano ako unti-unting nahulog sa isang babae na naging malaking parte ng araw-araw ko. Tawagin na lang natin siyang Aera.
Hindi ito yung tipikal na love story na puno ng malalaking eksena o dramatic na moments. Simple lang - mga simpleng tinginan, kulitan, tawanan, mga pagkakataong sabay kaming nandun... at mga feelings na sinubukan kong itago pero lalong lumalim habang tumatagal.
Gusto kong isulat 'to hindi lang para ikwento, kundi para maalala. Para sa mga alaala na baka makalimutan ko na lang bigla paglipas ng panahon. Para sa isang taong hindi ko sigurado kung malalaman ba niya kung gaano siya naging mahalaga.
Note: Lahat ng pangalan at detalye ay binago para sa privacy ng mga taong involved. Pero yung nararamdaman? Totoong totoo.