_ShuHetti_
Mga ulap, na siyang magandang pagmasdan at tingalain mula sa ibaba. Pwedeng tanawin ngunit hindi pwedeng angkinin.
Mga ulap na siyang nagsisilbing silong sa panahong ika'y nahihirapan. Luha nito'y nagdudulot ng saya at kalungkutan.
Ngunit ang mga ulap na ito'y mabilis magbago at maglaho.