plumarise
Hindi lahat ng magaganda ay nagugustuhan-iyan ang bagay na pinatutunayan ni Wynkate Myles Da Silva. Isa man siya sa pinakamatalino at pinakamahusay mamuno bilang estudyante, marami pa rin ang may ayaw sa kaniya. Sa kabila ng paghihirap niyang makamit ang nais na maging parte ng student council, iba pala ang landas na nakalaan para sa kaniya.
Hindi man natupad ang matagal na inasam, muli niyang nakilala ang naging kapalit-isang taong pinakahuli niyang nais makasalamuha. Hindi dahil may utang siyang hindi nababayaran-kundi dahil sa nagawa niya sa lalaki noon. Nang magtagpo ang landas, nagmistulang leon at tigre ang dalawa. Laging hindi magkasundo sa kahit anumang usapan.
Sa tagal ng pagsasamahan nilang muli, matatanggap ba ang pagkakamali at hihingi ng kapatawaran? Matututunan bang magpatawad sa hindi magandang nakaraan? O patuloy na magiging bato ang mga puso sa bawat isa na siyang hadlang sa namumuong pagkakamabutihan?