Gray_heart20
Si Brywe Dave Corbett Dela Cruz ay isang lalaking hindi lang basta gwapo, kundi pinakagwapo sa lahat. Matalino, may taglay na talento, at higit sa lahat mayaman. Ngunit dahil sa takbo ng pamilya niya ay nagbago ang lahat mula sa gwapo niyang mukha ay nagkaroon itong pasa pasa. Mula sa katalinuhan niya , ay pinabayaan niya ang pag-aaral niya.
Maging ang mga talentong ito ay nawala. Mayaman siya sa pera pero sa pamilya hindi. Kaya ibinuhos niya lahat sa pakikipag-away. Ibinuhos niya sa pananakit ng ibang tao. Sa pambubugbog ng kaaway siya masaya.
Ngunit may isang babaeng nakapukaw ng kaniyang puso. Na sa hindi inaasahan ay magbibigay sa kaniya ng mas higit na saya at ang hinahangad niyang pagmamahal na kailanman hindi niya naranasan sa pamilya niya, ay maibibigay lahat nito.
Magugustuhan rin kaya siya nito? Gayong itong babaeng ito ay ayaw na ayaw sa lalaking nakikipag-away? O babaguhin niya na lang ang sarili niya para magustuhan sya nito?