gaelobsidian
Hindi niya alam kung kailan nagsimula ang lahat. Sa bawat gabi ng kanyang pagtulog, tila may kamay na humihila sa kanya palayo sa kasalukuyan, papunta sa isang panahong nababalot ng kasaysayan at lihim. Sa pagmulat ng kanyang mga mata roon, hindi kisame ang bumubungad kundi ang kalangitang sinisinagan ng lumang ilaw sa Intramuros, at ang mga yabag ng mga kabayong humahampas sa batong daan. At sa gitna ng panahong iyon, naroon siya-isang binibining may tindig na parang maharlika at mukhang hinulma ng sining at tula.
Sa bawat pagkikita nila, mas lumalalim ang kanyang pagkahulog, ngunit kasabay nito ang takot-dahil alam niyang hindi sila iisa ng panahon. Siya'y lalaki ng hinaharap, at ang dalaga'y nakagapos sa nakaraan. Ngunit sa tuwing siya'y gigising, ang pangalan lamang nito ang nananatili sa kanyang labi, parang isang lihim na ipinagkatiwala ng kasaysayan sa kanyang puso.