celestefantazsia
Sa mundong puno ng "what if's" at "meant to be", kwento ito nina Bianca-isang strong, socially vibrant na dalaga na natutong magtago ng sakit sa likod ng mga ngiti-at si Eli, isang tahimik ngunit malalim na binata na may sariling laban sa mga taong inaasahan niya sa mundo. Sa isang di inaasahang banggaan nagsimula ang koneksyon nilang tila itinadhana, ngunit habang lumalalim ang ugnayan, mas lumalalim din ang tanong: Hanggang saan ang kaya mong ibigay kung hindi ka sigurado kung pipiliin ka rin niya?
Isang kwento ng mga pag-uusap na bitin, mga yakap na may dalang takot, at mga pusong nagtangkang magmahal kahit alam nilang maaaring hindi sila ang para sa isa't-isa sa ending.