lawcianna
Hindi ko naman hiniling na may taong mag mamahal saakin nang buo. Ang nais ko lang naman ay may makinig sa mga hinaing ko. Si Dominic‚ sinamahan niya ako‚ hindi man sa pagsikat ng araw‚ ngunit sinasamahan niya ako sa tuwing palubog na ang liwanag nito.
Siya ang tanging naging liwanag ko sa mga oras na parang sobrang dilim na ng gabi para saakin. Siya ang tanging kasiyahan ko noong puro na lungkot ang ibinabato ng mundo. Sa mga sandaling 'yon‚ para akong nabuhayan muli ng loob.
Sumalungat ang tadhana saamin ni Dom‚ tila ba hindi kami pinahihintulutan nito - ayaw niya kaming magsaya‚ o baka ayaw lang ni Dom na manatili sa piling ko?
Noong huli kaming magkita‚ para bang may lamat na sa pagitan namin. Para bang lumalayo na ang loob nito. Parang hindi niya na ako mahal... hindi na niya ako kilala...