AngelineEntes3
Sa unang tingin, para silang langit at lupa.
Si David Kim, tagapagmana ng pinakamalaking real estate empire sa bansa - mayaman, gwapo, matalino... at walang pake. Sanay siyang sinusunod, sanay siyang inaasahan, at sanay siyang hindi nababali ang mga plano ng kanyang ama para sa kanya. Para sa kanya, walang halaga ang damdamin kung ang mundo ay umiikot sa pangalan at kayamanan.
Si Eunice Park, anak ng isang street vendor. Lumaki sa hirap, pero hindi kailanman pinanghinayangan ang mundo na wala siyang luho. Isang matapang na babae na kayang tumayo sa sarili niyang paa, kahit ilang ulit pa siyang madapa. Wala siya sa plano ni David. At lalong hindi siya papayagan ng mga magulang nitong pumasok sa buhay nila.
Pero paano kung ang taong palagi mong tinataboy - ang mismong taong matagal mo nang hinahanap?
Paano kung ang batang minahal mo noon, ay ang taong kinamumuhian mo ngayon?
At paano kung hindi lang pala kayong dalawa ang kasali sa kwento?
Si Christine Cha, ang babaeng perpekto sa papel - anak ng diplomat, lumaki sa abroad, may ganda, talino, at koneksyon. Isang babaeng ipinaglalaban ang isang pag-ibig na hindi kailanman naging kanya.
At si Bryan Jung, ang tahimik ngunit mapanlikhang kaibigan, na sa likod ng kanyang mga ngiti, ay may sariling lihim na pag-ibig... at isang pangakong hindi niya kailanman binitawan.
Paano kung ang mundo ng kayamanan at obligasyon, ay bumangga sa mundo ng simpleng pangarap at matibay na puso?
At paano kung sa dinami-rami ng pwedeng mahalin, siya pa ring pinipili mo... kahit alam mong hindi siya ang pwede mong ipaglaban?
Enemies to lovers. First love turned stranger. A love square, not triangle.
In a world where money decides everything, can love survive?
This is their story.
This is the wait.
This is... Until Then.