urtrickywritermhil
JANUARY 1(CHAPTER 1)STAY TUNE
TUESDAY, THURSDAY ONLY
3 CHAPTERS A DAY
Si Boom, simple lang ang buhay, school, bahay, tropa. Pero nagbago lahat nang makilala niya nang mas malalim si Aou, ang boyfriend ng kapatid niyang si Ciize. Sa una, normal lang. Kuya-vibes. Civil. Pero habang mas nagtatagal si Aou sa bahay nila, mas nararamdaman ni Boom na may kung anong nag-iiba sa kanya.
Hindi niya sinasadya. Hindi niya gusto. Pero hindi rin niya ma-control.
At syempre, napansin ng mga kaibigan niya sina JJ at AJ. Sa lahat ng pagkakataon, pinapagalitan siya:
"Boom, tigil mo na 'yan."
"Hindi ka dapat d'yan."
"Masisira kayo magkapatid."
Alam naman ni Boom na totoo lahat ng sinasabi nila. Pero ano bang magagawa niya kung bawat ngiti ni Aou, bawat simpleng tingin, tumatama ng diretso sa kanya?
Hanggang sa isang gabing hindi niya makakalimutan. Tahimik lang sila ni Aou, nag-uusap sa sala habang magkaaway sila ng kapatid nya. Walang drama, walang music, walang cinematic moment just a real, awkward, honest silence. At doon, si Aou mismo ang umamin.
Sinabi niyang matagal na rin niyang napapansin si Boom.
Sinabi niyang hindi dapat, pero hindi rin niya kayang itanggi.
"Boom, nagugustuhan na kita.."
Hindi sila sigurado kung ano'ng gagawin. Hindi nila alam kung saan hahantong 'to. Ang alam lang nila totoo. At minsan, 'yung mga totoong bagay... sila ang pinaka-komplikado.
This isn't a perfect love story. It's a messy one. A risky one. But it's real.