jaybscaldez
(Ang artikulong ito ay di kathang isip ngunit ito ay halaw sa masidhing obserbasyon sa paligid at sariling karanasan na rin.)
Mukha raw akong may pera, puwes akala niyo lang yun.
Marunong lang magtipid.
Sadyang kuripot lang talaga.
Kuripot sobra.
May ibat-ibang taong pwedeng utangan.
1. Si Sir at Madam
Sila yung sadyang pinagpala sa kaperahan na kahit di sila magtrabaho may datung sila. San nanggaling ang pera nila? Ma at pa, basta marami silang pera.
2. Si Carrie
Isa siyang napaka-bait na nilalang. Anghel na hulog ng langit. Ang sagot sa iyong dasal na sana'y sayo'y may magpahiram. Yung kahit wala siyang pera pahihiramin ka niya.
3. Si Melo
Siya yung pauutangin ka pero may kondisyon - "pauutangin kita, pero ayoko ng sisingilin kita, magbayad ka ng kusa!"
4. Si Jing
Ang utang ay isang magandang negosyo. Hindi pwedeng matulog ang pera ko sayo. Pahihiramin kita, eto ang number of days to pay, eto ang interes = kumikitang kabuhayang swak na swak.
5. Si Lhen
Siya ang taong huli mong lalapitan sa utangan. Pero wala kang choice siya nalang talaga ang di mo pa nalalapitan. Siya yung habang dumudukot ng ipapa-utang sayo e nasabon, nabanlawan, at nadowny ka na. Pero pinahiram ka.