jpaulbueno
Mapayapa at puno ng saya ang buhay ng dalawang magkaibigan na sina Veronica San Jose at Nathaniel Orphina - magkaibigang kilala sa kanilang natatanging talento at angking talino sa kanilang paaralan. Isa sila sa mga napiling lumahok sa isang patimpalak na gaganapin sa ibang paaralan. Ngunit sa pagkakataong ito, kailangang isantabi muna nila ang kanilang pagkakaibigan, sapagkat magkakalaban sila, at isa lamang sa kanila ang magwawagi sa naturang paligsahan.
Minsan nang nauwi sa pagtatalo ang dalawa, ngunit agad naman nila itong naayos. Ayaw nilang mauwi sa wala ang kanilang pagkakaibigan at masayang ang mga taong kanilang pinagsamahan-mga taong puno ng masasayang alaala at karanasang hindi nila malilimutan.
Ngunit, mauuwi na lamang ba sa isang trahedya ang pagkasira ng kanilang pagkakaibigan? Hanggang saan aabot ang sakit na mararamdaman ni Veronica sa pagkawala ng kanyang kaibigan?
Mahal na mahal ni Veronica ang kanyang kaibigang si Nathaniel higit pa sa kanyang sarili. Ngunit ang mga planong pinagsaluhan nila noon, mananatili na lamang bang mga pangarap? Itutuloy pa ba ito ni Veronica, kahit siya na lang mag-isa?