vian_marie
✨ PAKILALA MUNA ✨
Bago tayo magsimula, kilalanin muna natin ang mga bida ng kwentong ito! 🥰
🎤 VENICE MARIE "VICE" GONZALES
Isa sa pinakasikat at pinakamamahal na TV Host at Comedian sa bansa.
Sa paningin ng lahat, siya ang laging masaya, laging may banat, at hindi nauubusan ng energy. Maarte, madaldal, medyo demanding minsan, pero may pusong ginto
Pero sa likod ng makeup, glitters at spotlight... pagod na siya.
Pagod na magpanggap na okay lahat. Pagod sa pekeng mundo ng showbiz at sa mga taong nandiyan lang kapag may kailangan. At takot na takot siyang magmahal ulit dahil sa mga pananakit na natamo niya noon.
Napilitan siyang magbakasyon sa isang tahimik na probinsya para makahinga... hindi niya alam na doon niya pala makikita ang taong magbabago sa buong buhay niya.
"Pagod na akong maging bituin para sa iba. Gusto ko naman, may maging araw para sa akin."
ION PEREZ
Ang gwapo at simpleng may-ari ng Sunshine Bakery sa bayan nila.
Laging nakangiti, masipag, mabait, at tinaguriang "Sunshine" ng kanilang lugar dahil sa gaan ng ugali at init ng pagtanggap sa lahat ☀
Mahilig mag-bake ng tinapay, mahilig tumulong sa kapwa, at simple lang see ang gusto sa buhay. Wala siya pakialam sa showbiz, at hindi niya kilala kung gaano katanyag si Vice noong una itong dumating sa bakery niya.
Tinuring niya si Vice na isang normal na tao... hindi bilang isang sikat na artista, kundi bilang taong kailangan ng pahinga at tunay na pagmamahal.
"Hindi ko alam kung sino ka sa mundo nila... pero dito, handa akong alagaan ka."
PLEASE SUPPORT MY FIRST AU
thank you (⌒‿⌒)