Summerwritesss
Ako si Vier Jienne Alcarez. Kung tatanungin mo ang mga tao sa paligid ko, sigurado akong iisa lang ang sasabihin nila: ako 'yung tipo ng tao na laging nakangiti, bubbly, magalang, at walang ginawa kundi mang-asar araw-araw. Sabi pa nila, handsome with a bright energy daw. But behind my constant smiles and noisy personality, the truth is, I'm secretly a mess inside. Puno ako ng overthinking at mga lihim na problema na ako lang ang nakakaalam.
And then there's Mavic Shawn Gomez.
Mavic is cool, effortlessly famous, at sobrang lapitin ng tao. Pero huwag ka, sobrang palamura niyan-walang preno ang bibig kapag naiinis. Kahit ganun siya, sa kaniya lang ako nakakahanap ng tunay na katahimikan. Kami 'yung definition ng chaotic pero comfy friendship. Araw-araw kaming magkasama, walang humpay na asaran, bardagulan, at late-night calls na punong-puno ng tawanan. Siya 'yung naging pahinga ko sa lahat ng gulo sa isip ko.
Pero mali yata na masyado akong nasanay sa piling niya.
Because somewhere between our stupid jokes and silent moments, I broke the ultimate rule: I fell in love to my friend.
nahulog ako sa kaniya-sa kaibigan ko na walang ibang ginawa kundi protektahan at asarin ako. Ngayon, kailangan kong gampanan ang pinakamahirap na role sa buhay ko: ang magpanggap na wala lang ang lahat para lang hindi mawala ang kaisa-isang taong nagpapaligaya sa akin.
Kakayanin ko bang panatilihing lihim ang nararamdaman ko, o darating ang araw na mahuhuli rin ni Mavic ang totoong dahilan kung bakit iba na ang tibok ng puso ko kapag siya ang kasama ko?