ViveanJennyOliverio
Highschool Series #1
Si Lianne ay isang dalagang ang hinahangad lamang palagi ay isang magandang kinabukasan para sa kaniyang sarili at lalo na para sa kaniyang pamilya, matalino at masunurin siya, ginagawa at ibinibigay niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang maabot ang expectations ng kaniyang mga magulang lalo na pagdating sa academics, ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakilala niya ang unang lalaking nagpatibok sa puso niyang kaytagal niyang inalagaan.
Sa kabilang banda, si Brent ay isang binatang wala ring ibang gusto kundi ang magtagumpay sa buhay at mabigyang ng maayos na pamumuhay ang kaniyang pamilya, lalo na ang kaniyang nakababatang kapatid, nang dumating ang babaeng unang nagpatibok ng puso na ay mas lalo siyang naging determinado sa pag aaral upang mabigyan ng magandang kinabukasan ang babae, ngunit napakaraming pagsubok ang susubok sa kanilang samahan na magdudulot ng pagkasira nang dalawa.