ginoong_jn
Bago pa man lumubog ang Maynila sa kadiliman ng pananakop, nagtagpo ang mga mata ni Belinda de los Santos, mestizang anak ng isang mayamang pamilya, at ni Kenjiro Takahashi, isang binatang Hapones na bagong salta sa Pilipinas. Sa isang simpleng bati sa hardin, nagsimula ang isang damdaming walang kasiguraduhan, ngunit puno ng pangako.
Ngunit dumating ang digmaan.
Mula sa pedestal ng karangyaan, si Belinda ay ibinagsak sa impyerno ng pagiging comfort woman. At si Kenjiro, na minsang naghandog ng paggalang at pag-ibig, ay muling humarap sa kanya-ngayon bilang sundalo ng hukbong kumitil ng kanyang dangal.
Sa gitna ng panata sa pamilya, bayan, at pag-ibig, kailangan nilang pumili: lalaban ba sila para sa damdaming ipinanganak sa maling panahon, o tatanggapin na ang kanilang kwento ay isinulat upang magtapos sa trahedya?
Isang kwento ng pag-ibig na ipinagbawal ng kasaysayan-at panatang itinaga ng dugo.
DATE STARTED: August 20, 2025
DATE FINISHED: