RA1NC4RN4T10NE
Bawat litrato may kwento, mga ala-alang babalik-balikan kahit na maraming panahon na ang nagdaan. Kasinararamdaman ulit natin ang emosyon na nakatatak na doon. Masaya man yan o malungkot. Hindi na 'yon mababago lalo na kung ang kasama mo sa litratong yun ay ang mga taong pinakamamahal mo. Pinapahalagahan natin ang mga yun, na kahit na niluma na ng panahon ay ginagawan pa rin natin ng paraan para hindi malimutan ng ating henerasyon.
Bawat litratista ay may dahilan kung bakit sila kumukuha ng litrato. Ang iba ay ginagawa ito dahil ito na ang kanilang nakahiligan. Ang iba naman ay ito na ang kanilang pinagkakakitaan kasama na ng kanilang pangarap.
Kumukuha tayo ng litrato dahil gusto nating makuha ang mga sandali na hindi natin alam kung mauulit pa.
Bawat litratista ay mayroong modelo. Kahit ano at sino ay pwedeng maging modelo. Ang iba sa kanilang mga mahal sa buhay; magulang, kapatid, asawa, anak, kaibigan, o mga taong espesyal sa kanila. Ang ilan naman ay sa lipunan at kalikasan. Mga modelong alinsabay sa kanilang konsepto.
Pero ako. . . tila sa bawat litratong kinukuha ng kamera ko ay may puwang na masasabi kong hindi ko pa nakikita perpektong modelo para sa aking mga litrato.
I'm the girl who loves photography.
I'm Vielle Mercado.
And this is my story.