YourGyal
Wala sa plano ni Erin Jade Lopez ang mapunta sa mundo ng mga artista.
Simple lang naman ang gusto niya. Makatapos ng college, makapag-ipon, matulungan ang pamilya at kung papalarin ay maging isang direktor. Hindi niya akalain na sa isang iglap, nasa harap na siya ng camera bilang partner ng isa sa mga pinaka sikat na actress sa industriya.
Selene Elizalde.
Numerous acting awards, remarkable series, Queen of fan service at dream girl ng showbiz. Sanay na sa camera, sanay sa mata ng publiko, sanay magmukhang inlove on cue kung kinakailangan. May sariling fandom na handang suportahan at updated sa buhay niya, lalo na ngayon na pumasok siya sa mundo ng GL na matagal nang hinihintay ng fans.
At first, trabaho lang ang lahat. An opportunity, a way out, a step closer sa pagbangon ni Erin para sa pamilya niya. But as the cameras starts rolling and 'chemistry' becomes part of the job, hindi niya maiwasang malito kung ano ang totoo sa hindi.
Dahil sa industriyang pinasok niya, hindi lahat ng nakikita mo ay totoo.
Paano ba malalaman kung totoo na siya sayo o purong 'fan service' lang?
Paano kung nadala ka na?