queen_avrianna
Bilang isang wedding planner, walang ibang hinangad si Ashley kundi ang makita ang kanyang sarili na lumalakad din sa aisle kasama ang kanyang dream man. Pero hindi na yata matutupad iyon dahil ikinasal na ang lalaking lihim na iniibig niya. At siya pa mismo ang nag-aayos ng kasal nito.
Noon muling bumalik sa buhay niya si Zion Park - ang bad boy sa kanilang University at hobby yata ang asarin siya noon. Nang mag-migrate ang pamilya niyo for good sa ibang bansa, parang nabunutan ng tinik si Ashley. Ngunit sa pagbabalik ni Zion sa bansa, wala na ang trace na bad boy image nito noon. At sa pagkakataong iyon ay naging magkaibigan na sila.
Napalapit sila nang husto sa isa't isa, at isang araw ay nagising nalang si Ashley na si Zion na ang kinasasabikang makita ng kanyang mga mata at hinahanap ng kanyang mga puso. Si Zion ba ang magbibigay ng katuparan sa pangarap niyang maikasal sa dream man niya?