Wanthe1
Araw-araw, hindi mawala-wala ang masasamang panaginip ko. Para bang kakambal ko na ito sa buong buhay ko. Lagi akong hinahabol ng pakiramdam na may masama't malapit nang mangyari. At sa tuwing nagigising ako, may bigat na hindi ko maipaliwanag. Parang may pasan akong hindi ko naman alam kung saan nanggaling.
Sa mata ng iba, ako 'yung matalino. Malakas. Laging nakangiti. Walang problema.
Pero ang totoo? Pagod na ako.
Pakiramdam ko, unti-unti akong nawawala.
Hanggang sa dumating siya.
Tahimik. Mailap. Laging may pader sa paligid niya. Hindi ko nga alam kung alam ba niyang nag-e-exist ako noon.
Pero sa hindi ko maipaliwanag na paraan... nakita niya ako.
'Yung mga bagay na pilit kong itinatago, napansin niya. 'Yung mga sandaling akala ko iiwan niya ako, nandoon pa rin siya. Wala siyang sinasabing malambing. Wala siyang pangakong binitawan.
Pero sa mga kilos niya... parang sinasabi niyang hindi ko kailangang mag-isa.
At sa mundong puno ng sakit at gulo.
Baka sakaling sa dulo ng lahat, may isang taong pipili sa'kin.