YourAvewysdom
Sa bawat pag-idlip ko, nandoon siya.
Hindi ko alam ang pangalan niya. Hindi ko rin alam kung saan siya galing - basta sa tuwing mapapapikit ako, naroon siya. Tahimik. Naghihintay. Minsan nakangiti, minsan malungkot. Pero palaging nandoon.
Sa panaginip ko lang siya nakikita, pero pakiramdam ko... matagal ko na siyang kilala. At doon sa mundong 'yon - sa pagitan ng tulog at gising - ligtas ako. Mahal ako. Buo ako.
Hindi ko alam kung kailan ko siya makikilala sa totoong buhay. O kung totoo ba talaga siya. Pero gabi-gabi, bumabalik ako... doon sa lugar kung saan siya naghihintay.