camilawrites
Matapos mawalan ng alaala dahil sa isang trahedya, lumipat si Seraphina mula probinsya papuntang Maynila upang magsimulang muli bilang isang senior high school student.
Ngunit sa isang simpleng pagkakabangga sa hallway, muling babalik ang nakaraan na matagal nang nakalimutan ng kanyang puso.
Si Lucien-ang kanyang kababata at unang pag-ibig.
Habang si Seraphina ay walang maalala tungkol sa kanya, si Lucien naman ay hindi kailanman nakalimot. Minahal nila ang isa't isa noon, ngunit pinaghiwalay sila ng ama ni Lucien na nais ipakasal ang anak sa anak ng kanilang business partner.
Dahil doon, tuluyang nasira ang puso ni Seraphina hanggang sa piliin niyang talikuran ang pag-ibig at mangarap na maging madre.
Ngunit dumating si Draven.
Isang kilalang gangster na malamig, magulo, at kinatatakutan ng lahat.
Sa unang tingin pa lamang ay nahulog na agad ang loob niya kay Seraphina, ngunit imbes na ipakita ang tunay na nararamdaman, dinaan niya ito sa pang-aasar at pambubully kasama ang kanyang gang.
Hanggang sa isang araw, komprontahin siya ni Seraphina habang umiiyak at tawagin siyang isang walang pusong lalaki.
At doon nagsimulang magbago si Draven.
Unti-unting napalitan ng lambing ang panggugulo, at ang lalaking minsang nagpaiyak sa kanya ang siya ring naging dahilan upang muli siyang matutong magmahal.
Ngunit takot pa rin si Seraphina.
Paano kung saktan lang din siya ni Draven tulad ng ginawa ng kanyang unang pag-ibig?
Sa kabila ng lahat, pinili pa rin nilang mahalin ang isa't isa. Ngunit nang akala nilang masaya na ang lahat, isang aksidente ang biglang nagdulot ng dilim sa kanilang mundo.
At doon nagtapos ang lahat...
O iyon lang ang akala nila.
Dahil nang magising si Seraphina, napagtanto niyang isa lamang pala itong bangungot.
Sa totoong buhay, kasal na sila ni Draven. Isa nang matagumpay na negosyante si Draven habang isa namang abogado si Seraphina. At kasama ang kanilang magandang anak.