klara_wrights
Winsley de Castro never thought his life would change on a random jeepney ride. Conyo, maarte, at never pa nakasakay ng jeep kahit kailan, his world revolved around comfort and perfection. Pero isang araw, napilitan siyang sumubok sa mundong hindi niya nakasanayan.
Doon niya nakilala si Jiro Vergara - freakingly handsome, mysterious, at campus crush na hindi niya man lang alam na sikat pala. Sa pagitan ng mga stoplight, ingay ng tambol ng jeep, at tawanan ng mga pasahero, isang unexpected encounter ang mag-uugnay sa kanila.
Kasama ang cof ni Winsley na sina Jace Lorenzo Soriano at Sean Madrigal, at ang barkada ni Jiro na sina Harvey Tolentino, Cedric Alonzo, at Santino Alcantara - mabubuo ang isang kwento ng kilig, comedy, bardagulan, at unplanned love.
Kasi minsan, hindi sa destinasyon natatagpuan ang love...
Minsan, somewhere between stops.