Wylde_Words
Sa taong 2096,
Wala nang nasasawi sa pag-ibig. Salamat sa Red Thread Meter, isang implant na naghahanap sa iyong "Perfect Match." Kapag nag-zero ang metro mo, congrats, nahanap mo na ang forever mo. Pero si Josh ay isang "glitch" sa perpektong mundong ito. Ang metro niya? Laging stuck sa 77.0 meters. Hindi gumagalaw, hindi lumalapit.
Hanggang sa nadiskubre niya ang isang corrupted file mula sa taong 1977, isang babaeng nagngangalang Sam.
Sa isang haplos sa digital record nito, ang metro ni Josh na ilang taong tulog ay biglang nagwala.
Paano mo mamahalin ang isang taong isandaang taon na ang layo sa'yo?
Sila ang dalawang pusong pinagtagpo ng tadhana, pero pinaghiwalay ng panahon.
Sa mundong bawal ang pagkakamali sa pag-ibig , handa ba si Josh na sirain ang batas ng oras
para sa huling 77 metro?
"77 Meters. 100 Years. One Heartbeat. One Secret. "