BenjinCasais
Si Jinley ay isang simpleng tao lamang na nakatira sa lalawigan ng Camarines Sur Bicol at kasalukuyang iskolar sa sikat na kolehiyo sa lalawigan. Simple lang ang buhay na nakagisnan niya kasama ang kanyang pamilya at ang matalik niyang kaibigan na si Romart. Mula sa elementarya hanggang sa kasalukuyan ay magkasama na sila.
Isang araw habang si Jinley ay naglalakad sa sidewalk na malapit na sa gate ng eskwelhan, ay busy sya sa pag hahanap niya ng kaniyang ID sa bag ng hindi nakatingin sa daanan, ay bigla na lang siyang nabunggo.
Nabunggo si Jinley sa isang tao. At ang tao ay walang iba kundi si Nathan, na lider sa isang sikat na grupo sa eskwelhan na mga "Good Looking" at "Rich Kid". Si Nathan na lider at ang apat pa na sina Troy, Dominique, Ivan at Kennedy ay mga anak ng mayayamang negosyante sa lalawigan.
Ano kaya ang mangyayari sa unang araw nilang pagkikita? magiging maganda ba ang pakikitungo ni Jinley at ang Grupo sa isa't isa? Sino kaya ang destiny ni Jinley?
"I climb every mountain and swim every ocean, just to be with you and fix what I've broken."