knowstarjia
Ang sana'y sampung araw ng kasiyahan... naging kabaliktaran. Mga araw na sana'y mapupuno ng ngiti at tawanan ay napalitan ng hikbi at kahirapan. Hirap sa pagtanggap, pag-unawa, pagtitiis, at pakikipaglaban.
Isang batang babae na ang pangalan ay Laliana... puno ng liwanag ang mga mata. Ang mga ngiti ay umaabot sa tainga, maliit na tinig ay tila musika. Nagbibigay ng liwanag sa mga tao sa paligid niya... ngunit paano nga ba? Paanong sa loob ng sampung araw.. ang katauhan niya ay unti-unting nag-iba? Tinig ay humina, ngiti ay hindi na mahulma. Ang liwanag na dala, naging dilim nang hindi sinasadya. Hanggang saan at kailan dadalhin ito ng isang bata?
Date Started: June 4, 2021
Date Finished: June 22, 2021
Date Rewritten: September 1, 2025
Date Finished: September 21, 2025