unnissah_
Akala ni Euri sa panaginip lang niya nakikita ang mga mahika at kapangyarihan, ang hindi niya alam matagal nang panahon umiral ang mga mahika.
Nagsimula ang lahat matagal ng panahon sa isang alamat ng batang ipinanganak na may natatanging abilidad. Ang kakaibang abilidad na iyon ay lumaganap sa buong mundo. Walang nakakaalam kung paano ito nangyari at bakit, dahil doon ang mga kakaibang pangyayari ay naging natural nalang sa mundo at kinasanayan nalang ng mga tao.
Sa kabila ng kagandahang dulot ng mga Smyrna o mga mahika ay nagsasanhi rin ito ng pagtaas ng mga krimen at kaguluhan bunga ng mga kagagawan ng mga 'Black Kishi', mga taong may tinataglay na Smyrna ngunit ginagamit sa masama ang kanilang natatanging abilidad. Makikita ito sa kahit saang lugar, mapalabas man o loob ito ng Langeres kingdom.
Hindi na marahil mawawala sa mga taong may taglay na kapangyarihan ang maging sakim at gahaman, iyon ang paniniwala ni Euri. Marami kasi sa halos 90% na may taglay na abilidad sa Langeres Kingdom ay ginagamit sa maling paraan at paggawa ng mga illegal na gawain ang kanilang mga kapangyarihan. Sa mga krimen at sa pansarili nilang kagustuhan.
Kung kaya naman dahil doon marami sa mga taong may katangiang taglay ay nagkaroon ng lugar sa mundong magulo. "Kishi" kung ituring nila ang kanilang sarili.
Lahat ay gagawin ni Euri para sa kapatid kahit kapalit pa niyon ang buhay niya. Manatili lang itong ligtas at malayo sa mga Kishi. Ngunit hanggang kailan niya iiwas sa kapatid ang pilit nitong inaabot? Hanggang kailan siya iiwas sa gulo kung siya mismo ang hinahanap nito?
Pro-Kishi o Professional Kishi, o may mataas na antas na antas ng mga Kishi. Pangarap ni Kira, nakababatang kapatid ni Euri, ang mapabilang dito ngunit sa hindi niya maintindihang dahilan ng kaniyang kapatid tila hirap na hirap siyang makamit ito.
Maabot kaya ni Kira ang pangarap niya, o patuloy nalang siyang nananatili sa yakap ng pinakamamahal na kapatid?
@unnissah.2024