Aicamanunulat
Sa isang mundong pinaghaharian ng yaman at pangalan, kailanman ay hindi sila dapat nagtagpo.
Si Yang Mie Mie, isang simpleng dalagang nabubuhay sa araw-araw na pagsusumikap, ay hindi inakalang mababangga niya si Yu Long-ang cold-hearted CEO na kilala sa kayamanang kayang bilhin pati ang katahimikan ng gabi. Isang kasunduan ang pilit na magbubuklod sa kanila: siya, bilang isang utusang kailangang pasunurin; at siya, bilang lalaking walang alam kundi ang mag-utos. Pero sa bawat araw na lumilipas, mas lumalalim ang mga titig, mas tumitibok ang mga pusong dapat ay hindi nagtagpo.
Hanggang kailan mananatiling kasunduan lang ang dahilan ng pagiging magkalapit nila? At kapag nalaman ng mundo ang tunay na pagkatao ni Yang Mie Mie, pipiliin pa ba siya ni Yu Long-o iiwan siyang wasak sa gitna ng kanyang kawalan?