lunaaaaaaaaaa26
"Okay, class! Siya nga pala ang bago niyong classmate na galing sa Advisory class ni Ma'am Joy. Magpakilala ka sa buong klase, 'nak."
Kilala ko itong taong 'to! Huling kita ko sa kanya ay noong last school year sa campus B at nasa higher section siya. Hindi ako makapaniwala na napunta siya sa section namin, eh ito yung section na tapunan ng mga tang@, siraul0, gag0 at b0rikat. Chariz.
Ngumiti ang lalaki sa buong klase, "Hello po, my name is Idris Raven Reyes, 14 years old and staying sa house ng aking lolo at lola. Please, take care of me." Pagpapakilala niya sa sarili.
Hinding-hindi ko talaga makakalimutan ang pagmumukha ng Raven na ito, dati ko siyang kaklase sa grade 2 at grade 6, ngayon kaklase ko na naman siya ulit!