Ino_Reads
Sa bawat klase, sa bawat ensayo, at sa bawat sandaling magkasama sila-si Zyrine ang laging nasa gitna ng mundo niya.
Mahilig siya sa English at Values Education, miyembro ng Drum and Lyre Corps na dating humahawak ng bandila hanggang sa mapili para sa baton, at laging may nakasabit na pink at asul na ribbons, clips, o scrunchie sa buhok. Kapag hindi niya naiintindihan ang aralin, sasabihin lang niyang "Ha?" o "Hindi ko alam." Mahilig siya sa lilies at tulips, seafood, Mogumogu, C2, at caramel macchiato-ayaw niya sa matcha, masisikip na pantalon, at higit sa lahat... ayaw niyang mawala siya sa tabi niya.
Hindi na kailangan ng malalakas na sigaw o magarbong pag-amin. Ang pagmamahal niya ay nasa maliliit na tuping papel na inilalagay niya sa ilalim ng desk, nasa paghihintay sa kanya pagkatapos ng practice, at nasa bawat pangakong sasamahan niya ito sa Boracay, sa cat cafe, at hanggang sa Switzerland at France balang araw.
Ito ang kwento ng tahimik na pagmamahal, ng mga sulat na hindi kailangang ipadala para maramdaman, at kung paano ang isang tao ay magiging tahanan mo sa lahat ng panahon.