Yung mahulog ka nalang bigla sa isang lalaking hindi mo pwe-pwedeng mahalin kasi may masasaktan.At yung malapit mo pang kaibigan. At sa hindi inaasahan nahulog rin siya sayo.Kung mag mamahal ka pabalik baka masira ang pagsasama niyo ng matagal mo ng best friend.Dahil sa mahal niya itong lalaking minamahal mo rin. Nanligaw siya sayo ng matagal na panahon.Sinigurado mo munang nag bago na siya bago mo siya sinagot. Naging kayo at dahil dun nasaktan ang pinaka close mong best friend.Napa isip ka nalang bigla na 'paano na toh?'. Kaya hiniwalayan mo na rin yung taong mahal mo para sa best friend mo.Kasi baka maging magkaribal kayo kaya nakipag hiwalay ka sa kanya. Dumaan ang maraming taon. At naging 3rd year high school ka na.Wala na rin ang best friend mo dahil sa public nalang ang pinag aaralan mo. Isang araw nakabangga ka ng lalaki na nagpatibok ng puso mo. Hindi mo alam kung sino toh kaya nag tanong ka sa iba. Nalaman mo ang pangalan niya at nalaman mong siya rin pala ang taong nag patibok din ng puso rati. Ano kaya ang pwedeng magyari? Magkatuluyan kaya sila? Kung maging sila man, mawawasak kaya ito? O hindi? A/N:matagal akong mag update pero hahabaan ko yung mga update ko. 💜little-carly