Destined to be Yours

Destined to be Yours

  • WpView
    Reads 2,821
  • WpVote
    Votes 69
  • WpPart
    Parts 24
WpMetadataReadOngoing
WpMetadataNoticeLast published Sun, Jun 21, 2020
WpInfo
Fiction
Romance
Simula ng pasukin ko ang mundo ng showbiz, nagbago ang simpleng buhay ko. Hindi ako nanggaling sa mayaman na pamilya pero masasabi kong masaya ang aking simpleng buhay bago pa man ako maging isang sikat na artista. Labing anim na taong gulang ako ng pumasok ako sa magulong mundo ng showbiz. Ang simpleng buhay ko noon ay bigla na lamang nagbago sa isang iglap. Sa dami ng naranasan ko bilang isang artista, masasabi kong marami na akong natutunan. Pero sapat na nga ba yun para maging kampante na ako? Hindi maiiwasan ang tsismis at paninira sa showbiz pero lahat ng yun ay nalagpasan ko. Ngayon, halos walong taon na ako sa industriyang ito at handa na ako sa susunod na pwede ko pang matutunan. Pero, sa hindi inaasahang pagkakataon, ang puso ko ay nakaramdam ng pagibig, sa taong matagal ko na ring napapansin. Si Mike Brandon Lopez, magaling na aktor na halos lahat ng artista ay gusto siyang makatrabaho. Gwapo, mabait, humble, at talaga namang magaling na aktor noon pa man. Halos lahat ng artista ay gusto siyang makasama sa proyekto dahil na rin sa kagalingan nito. Ako si Rainie Shin Valle at ito ang aking storya.
All Rights Reserved
#10
rainie
WpChevronRight
Join the largest storytelling communityGet personalized story recommendations, save your favourites to your library, and comment and vote to grow your community.
Illustration

You may also like

  • "So, It's You!" (GxG)
  • Makati Confessions
  • My Internet Lover
  • WIFE SERIES: The Annulment (Completed) [PUBLISHED]
  • Si Mr. Nobody
  • My Life Of Dreams
  • Kiss Me, Handsome Bully 2 (PUBLISHED under Lifebooks)
  • Hiding the famous actor's daughter
  • MY BEKI LOVE
  • His Psychiatrist [COMPLETED]

Warning!! Girl to girl story°°° Ang kwentong ito ay tanging kathang isip lamang po sa malikot kong imahinasyon... Magka ibang magka iba ang buhay na kinalakhan ni Laura at Monica.. Lahat nang hilingin sa magulang ay binibigay kay Laura, laki sa marangyang buhay.. LAHAT ay gagawin makuha lang ang gusto nya, makuha lang ang babaeng pinakamamahal nya na walang iba kundi ang best friend nya... Kaya lang, ginawa na nya ang lahat pero bigo parin sya. Naging masama na sya, naging makasarili. Pero sabi nga nang iba walang magtatagumpay sa pag kuha nang isang bagay kung mali ang ating pamamaraan.. kung galing sa kasamaan.. Kaya naman pinilit nalang nyang tanggapin ang kanyang pagka talo ang kanyang pagka bigo. umaasang isang araw mawala na yung sakit yung sugat na dulot nang pagka bigo sa pag ibig.. Sa kabilang banda, itong si Monica ay laki sa hirap. Patuloy na kumakayod para maitaguyod ang kanyang pamilya ni hindi man lang nakatuntong nang kolehiyo. Maagang banat sa buto ni hindi alam ang salitang love life ..nah! Wala yun sa kanya. Hindi ka mahubuhay nang love na yan kong paglipas nang araw pareho lang kumakalam ang inyong sikmura. yun ang madalas nyang katwiran.. Kung mag aasawa man daw sya yung kaya na syang buhayin kasama buong pamilya nya. Masyado daw syang ambisyosa sabi pa nang iba.. Yun ang katwiran nya eh! Walang sino mang makaka bali nun.. Kung tadhana na ang gumawa nang paraan para magtagpo ang kanilang landas. May possibility ba na mahulog ang loob nila sa isa't isa.! Napaka imposible. PAANO KUNG HULI NA. Huli na nang marealize nilang may nararamdaman na pala sila sa isa't isa... *Do not steal my stories.. PLAGIARISM is at crime*

More details
WpActionLinkContent Guidelines