The Queen's Knight in Shining Armor
  • Reads 4,690
  • Votes 106
  • Parts 9
  • Reads 4,690
  • Votes 106
  • Parts 9
Ongoing, First published Feb 19, 2017
Ang digmaan  ay pumapaslang ng maraming buhay na kinasusuklaman ng reyna ng Tarvania. Ito'y gusto nang itigil ni Queen Diana Rosefield kaya siya gumawa ng alyansa sa mga karatig bansa. Sa alyansang ginawa niya sa layuning mapanatili ang kapayapaan hindi niya inaakalang may nagtatagong banta para sa bansa. At pinagbayaran niya ito ng mawala sa trono sa pagkatalo sa isang digmaan na di niya inaasahan na mangagaling mismo sa alyansang iyon. Binigo siya nito at naging isang palaboy na Reyna na tumatakas para buhayin ang sarili kasama ang kababata na simple mang tingnan ay may ginintuan baluti na proprotekta sa kanya para matupad ang sinumpaang pangako. Para maabot ang inaasam susugal sila gamit ang kanilang buhay. Para sa winasak na tahanan sila'y maghihiganti. Dalawa silang magkasamang sisira ng madilim na bahagi ng kahapon. Samahan sila sa kanilang paglalakbay!
All Rights Reserved
Sign up to add The Queen's Knight in Shining Armor to your library and receive updates
or
#531queen
Content Guidelines
You may also like
Slide 1 of 1
Penultima cover

Penultima

10 parts Ongoing

Lumaking hindi kilala ang tunay na mga magulang, maagang namulat si Leroncillo San Roque sa kalupitan ng mundo. Ngayong nabigyan siya ng pagkakataong maipaglaban ang pagkakapantay-pantay, handa ba siyang isakripasyo ang lahat maatim lang ang hinahangad na tagumpay? *** Mulat sa bulok na sistema ng lipunan, tumatak sa isipan ni Leroncillo San Roque ang kawalan ng hustisya at hindi patas na trato sa mga mahihirap. Bagama't lumaki sa kalinga ng isang prayle, hindi pa rin naging madali ang daloy ng kaniyang buhay. Patuloy pa rin siyang sinusubok ng mga tao, ng pagkakataon, at ng tadhana. Ngayong naipit si Leron sa isang sitwasyon na maaaring magpahamak sa mga taong mahalaga sa kaniya, ano nga ba ang tamang hakbang upang makamit niya ang inaasam na kalayaan at hustisya? Magagawa ba niyang linlangin ang kalaban at mailigtas ang kaniyang amain at mga kaibigan? O mapupunta lamang ba sa wala ang lahat ng kaniyang pinaghirapan? Cover Design by Louise De Ramos