Mahirap magkaroon ng bestfriends kasi alam naman natin na walang tunay na kaibigan sa mundong ibabaw. Siguro ay kalahati lang ang tiwalang maibibigay natin sa mga tao kasi madami ng manloloko at nangiiwan. Kahit sarili ko nga ay hindi ko na din mapagkatiwalaan. Kahit gaano kasakit, tinikman ko na din ang pait. Ito, niyayapos ako ng inggit. At sa araw-araw kong paghihintay sa kanya. Nainip na din ako ng tuluyan. Mas minahal niya pala ang ex-girlfriend niya kaysa sa akin na tunay niyang kaibigan. Bakit nagpapakatotoo ako sa taong sinungaling? Sino ba ang dapat kong mahalin? Ang taong minamahal ko pero hindi ako kayang mahalin o ang taong hindi ko naman mahal pero kaya akong mahalin?