MALDITA Series #7: Keiza Fontero's Decessive Admirer Keiza Fontero. Kilalang kapatid ng sikat na business tycoon na si Cloud Fontero. Kaya naman marami itong fans aside from the other reason---despite the popularity, nananatili pa ring mabait at humble ito. Nga ba? Sa mundong ginagalawan ng dalaga, hindi niya hinahayaan na mabahiran ang dinadalang pangalan ng pamilya lalo na't tinitingala ang kaniyang mga magulang at kapatid. She has to act properly and with etiquette. Iyon nga lamang... Ika nga sa mga kasabihan, kung may liwanag, may kadiliman. Sa bawat maskara ay may nakatagong mukha. Keiza Fontero. Pinakabatang MALDITA ng grupo. Mayroon itong sariling paniniwala na lahat ay madadaan sa tinatawag niyang 'acting.' Mayroon siyang sariling diksynaryo--iyon ay magkaiba ang pagmamaldita sa bitchiness. Puti ang labas, may sa itim ang loob. Ah, iniidolo ang Malditang si Emila. Despite any situation ay dapat elegante pa rin. Magkaibang mukha ngunit iisang katauhan. Peke at totoo, magkahalong bagay. Nakukuha ang naisin dahil sa suot na maskara. Napapaikot ang lahat. Ngunit, mayroon talagang excemption. Lahat na ng maskarang puwedeng isuot ng dalaga ay naisuot na niya ngunit ang isang ordinaryong lalaki ay nakikita pa rin ang totoo niyang mukha. Hindi hearthrob o kung ano pa man. Hindi rin nerd. Sadyang tahimik lang ito at mapang-obserba. Sa lahat ng taong nakapaligid sa dalaga, hindi niya inaasahan ang kaklase pang ito ang makakatanggal ng maskarang suot. May reserba pa kayang maskarang maisusuot ang isang Keiza Fontero as Jettson Hernaez became her decisive admirer? Catarina Tubiaz [On-going]