Sino nga ba ang nagsabi na PERSLAB NEvER DIES?
Sino nagsabi na babae lang ang marunong magmahal ng totoo. Na lahat ng lalake ay walang alam kundi ang manloko at paglaruan lamang ang nararamdaman ng iba.
Sino ang nagsabi na langit lang ang kayang abutin ng pagmamahal. Na hindi mo kayang ibigay lahat nang walang kapalit; kahit alam mong hindi ka rin pala minahal ng taong minahal mo.
Sino nagsabi na hindi mo kayang lampasan ang langit; na hindi mo kayang tiisin ang sakit; upang maparamdam mo lang na mahalaga siya para sa’yo.
Sino nagsabi na kailangan mong sabihin na mahal mo siya, para maging totoo ang lahat. Na dapat mahalin ka rin niya para hindi masayang ang paghihirap mo. Na kailangan may relasyon kayo, upang masabi na nagmamahalan kayo.
Sino nagsabi na mabubura ng panahon ang pagibig na yun. At maibabaon lamang sa limot ang lahat lahat matapos ang sampo o dalawampung taon. Sino nagsabi na hindi mo kayang maghintay at umasa habang buhay.
Sino, Oh sino nagsabi sa inyo nang lahat ng mga ito?
Ipakilala niyo naman sakin oh, kailangan ko ata magpatutor sa kaniya. :-)
-Ang Torpeng Isda.
Kung mahal mo, ipaglaban mo. Kung gusto mo siya, gumawa ka ng paraan para mahalin ka rin niya. Nasasaktan ka kahit di naman kayo, nahihirapan ka kakaisip kung darating ba yung araw na mamahalin ka rin niya. Iutuloy mo pa ba kahit na alam mong wala ka na talagang pag-asa? Handa ka bang magpakatanga makuha mo lang siya? Paano kung may isa palang nagmamahal sayo pero di mo lang nakikita dahil lagi kang nakatingin sa mahal mo? Anong susundin mo? Yung puso mo o yung isip mo? Sinong iibigin mo? Mahal mo o mahal ka?
Ako si Cath. Naguguluhan ako sa mga bagay bagay lalo na kay Karlo, yung crush ko. Buti na lang dumating si Leo para tulungan akong malaman kung ano ang nararamdaman sa akin ni Karlo. Sana malaman ko na ang sagot sa mga katanungan sa isip ko. Pero baka mas lalo lang gumulo ang lahat dahil sa mga balak namin ni Leo. Baka masaktan lang ako sa kung ano mang kasagutan na aking malaman.