Si Ashlu Grayfield ay isang ordinaryong estudyante. Payapa at tahimik ang kanyang buhay noon. Pero simula nung nag kolehiyo siya at lumipat sa Alverde. Duon na nagsimulang gumulo ito. Dahil lamang ito sa tatlo at misteryosong bagong lipat din kagaya niya. Noong una ay nilalayuan niya sila, pero mukhang pinaglalapit pa din sila ng tadhana. Hangga't sa naging kasabwat nila siya sa pagiging espiya. Mahaba haba ang magiging lakbay niya, pero kakayanin niya ba? Hangga't saan ang lakas niya? O susuko nalang siya dahil hindi siya ang babae para rito?