20 parts Complete Sa gitna ng pagod, pighati, at mga pagsisisi ng 2025, paano kung ang tanging dasal mo-ang bumalik sa mas simple at buong kahapon-ay bigla na lang dinggin ng tadhana?
Si Brix, isang 21-anyos na college student, ay nagising isang umaga sa isang pamilyar ngunit ibang reyalidad. Bumalik siya sa taong 2017, sa katawan ng kanyang 15-anyos na sarili.
Dala ang isip, alaala, at sakit ng hinaharap, napilitan siyang harapin muli ang high school-ang mga kaibigan, ang mga dating crush, at ang mga pagkakamaling gusto niyang itama. Sa kanyang paglalakbay, muling sisibol ang mga "what if" sa piling ni Raley, ang payapang koneksyon; ni Kaia, ang bawal na ritmo; ni Cris, ang matalinong best friend; at ni Nina, ang unang pag-ibig.
Ngunit ang lahat ng ito ay nababalot sa anino ng isang pangalan: Elara. Ang kanyang "North Star." Ang babaeng dahilan ng lahat. Ang bawat kilos ni Brix ay isang lihim na liham na isinusulat para sa kanya.
Sa mundong puno ng pangalawang pagkakataon, kaya ba niyang lampasan (pass) ang mga pagsubok, o mananatili na lang ba itong isang magandang regalo (present) na pansamantala? Sa huli, kaya ba niyang mag-PRESCEND?
Isang kwentong hinulma ng imahinasyon, pero isinulat ng totoong alaala at tibok ng puso.