Kung may Generation X, mayroon din namang Generation H: H for Hunks sa Talyer; H for Hot Classmates; H for Holy Cow; H for Homosexual affairs; at higit sa lahat... H for Homophobic Hearthrob! Ang ating bidang si YuKi ay lumaki sa piling ng kaniyang mapagmahal na inang si Hazel, ng matipunong step father na si Gavin, at ng dalawang kababatang tauhan sa kanilang talyer na sina Macoy at JJ. Dahil lumaking napapalibutan ng mga brusko ay hindi kahit kailanman nagkaroon ng interest si YuKi sa anumang bagay na may kinalaman sa kabaklaan; ang masama ay takot pa siya sa mga ito dahil sa maling pagkakakilala niya sa mga bakla. Hanggang sa isang bakla ang darating sa buhay niya sa hindi inaasahang pagkakataon, at magpapabago ng pananaw niya sa mga ito... Desmond Fox presents: Macho Hearts Book 4: Generation H
27 parts