Montehermoso Series 3 (COMPLETED) (GENERAL FICTION)
NOTE: YOU CAN READ THIS ON DREAME
Thylane Montehermoso and Lucario Steve Denson
Isang treinta y cinco años na ang dating preso na si Lucario, na ngayon ay gangster sa kanilang lugar. Aniya, siya ang hari sa kanilang lugar dahil siya lang naman ang pinaka kinatatakutan ng mga tao roon, sila ng mga ka-tropa niya. Wala na sa isip niya ang mag-asawa pa dahil aniya'y wala nang papatol sa kaniya, sira na ang buhay niya at wala nang magkakagusto pa sa isang tulad niya na barumbado...
Ngunit nang dumating ang isang dalaga na pumukaw sa atensiyon niya ay biglang nagbago ang ihip ng hangin.
Hindi niya inakala na mahuhulog ang loob niya sa isang babaeng ang edad ay higit na mas bata sa kaniya. Dalawampu't isang taong gulang at maayos ang buhay, malayong-malayo sa estado ng buhay niya, sa magulong buhay niya.
Humantong ang pagkagusto niya sa dalaga na halos ayaw na niyang maalis ang paningin dito. Nababaliw siya at natutuliro. Ngunit ang problema niya ay ang pamilya nito, ayaw sa kaniya ng pamilya ng dalaga. Kaya naman ay umalis sila ng lalawigan at nagtanan.
Doon ay lumago ang kanilang pagmamahalan.
Ngunit may naging dahilan ang dalaga upang lumayo rito. Galit ang naramdaman niya dahil sa napagtanto sa lalaki. Nagkamali siya ng lalaking inalayan ng sarili...
Pero makalipas ang panahon ay bigla na lamang itong sumulpot sa harap niya. Hinihiling nitong makita't makasama ang anak na itinakas niya mula sa lalaki.
Ngunit... hahayaan niya bang papasukin itong muli sa buhay nila ng anak niya, gayong alam na niya ang tunay na kulay nito?
WARNING: Mature content. Read at your own risk.
July 5, 2020 - January 13, 2021
Bilang panganay sa limang magkakapatid, ang unang pumasok sa isip ni Santi ay pumasok agad sa trabaho. Nang wala na silang mga magulang na magsusuporta sa kanila ay si Santi na ang tumayong breadwinner para sa pamilya niya na hindi niya dapat pabayaan.
At bilang estudyante din ay sinikap ni Santi na hindi niya mapabayaan ang pag-aaral niya kaya naman ay halos lahat ng desenteng trabaho ay pinasukan na niya, sa pagiging street vendor ay nakilala niya ang mayabang na mayaman na si Leighton. Hindi gusto ni Santi si Leighton dahil sa sobrang kayabangan nito, halos araw-araw kapag nakikita. niya ito ay nawawalan siya ng gana na magtrabaho dahil kapag nagtatama ang kanilang mga mata ay palagi siya nitong inaasar kesyo may gusto daw ito sa kanya.
Ang masarap lang dito ay sa panahon na nagiging magaan na ang loob niya rito. Saka din siya ghinost nito. Na-ghost siya dati ng mga customer pero never sa lalaki.
Pero ano pa nga ba ang magagawa niya. She only thought that they're never meant to be. Never. And a prince and pauper has always encountered such difficulties they don't know they'd pass through.
PLAGIARISM IS CRIME
BILLION DOLLAR MEN SERIES 5
NOVEL 20: July 13, 2024-November 02, 2024